Paano mag padala? CLICK HERE
Paano makakatanggap ng pera? CLICK HERE
Paghahanap ng lokasyon CLICK HERE
Pankalahatang Katanungan
Paano ako magpapadala ng pera?
Paano makakatanggap ng pera? CLICK HERE
Paghahanap ng lokasyon CLICK HERE
Pankalahatang Katanungan
Paano ako magpapadala ng pera?
a. Puntahan sa agent location na pinakamalapit sa iyo.
b. Punan ang 'To Send Money' form at ipakita sa Agent ang tinatanggap na valid I.D. na may litrato.
c. Ibigay sa Agent ang pera kasama ang kailangang bayad1 na cash.
d. Bibigyan ka ng Agent ng resibo at ng iyong Money Transfer Control Number (MTCN).
e. Pirmahan ang resibo. Tapos na ang transaksyon.
f . Matapos ang transaction, tawagan ang pinadalhan mo ng pera at ipaalam ang mahalagang impormasyon sa kanya tulad ng 10-digit na money transfer control number (MTCN), ang apelyido ng nagpapadala kung paano ito nakasulat sa 'To Send Money' form, halagang ipinadala at ang bansa kung saan galing ang pera. Ipaalala rin sa pinadalhan na magpakita ng isang valid I.D. na may litrato.
Ano ang kailangan kong dalhin para makapagpadala ng pera?
Dalhin ang iyong kasalukuyang orihinal na valid I.D. na may litrato at ang cash na ipapadala mo pati na pambayad ng fee.
Dalhin ang iyong kasalukuyang orihinal na valid I.D. na may litrato at ang cash na ipapadala mo pati na pambayad ng fee maaari mo ring dalhin ang iyong Western Union Gold Card.
Magkano ang aking maaaring ipadala?
Tanunging and Western Union Agent sa inyong lugar para sa detalye. Sa ilang mga bansa, maaari kang magpadala ng halagang ibig mo. Pero maaaring may mga restriksyon sa mga halaga na maaaring matanggap ng mga tao sa ilang bansa. At, para sa ilang halaga sa ilang bansa, maaaring hingin sa iyo na magbigay ng karagdagang impormasyon o dokumentasyon.
Laging mayroon kahit na isa man lang na Western Union Agent location sa Pilipinas na bukas para sa negosyo sa pagitan ng 9am hanggang 6pm. Hanapin ang pinakamalapit na Western Union Agent sa Pilipinas dito. CLICK HERE
isang valid photo ID na lamang ang kailangang ipakita ng mga customers ng Western Union kung tatanggap ng perang padala. Ang One-ID policy na ito ay ipinapatupad sa may 6,300* Western Union Agent locations sa buong Pilipinas. Dinagdagan na rin ng BSP ang listahan ng mga tinatanggap nilang mga IDs. Kaya tinatanggap na ng Western Union ang mga IDs tulad ng valid student photo IDs para sa menor de edad/hindi pa botante na estudyante, employment IDs na ibinigay ng mga pribadong kumpanya o anumang sanga ng Pamahalaan, at Integrated Bar of the Philippines (IBP) IDs.
Ito ang opisyal na listahan ng mga tinatanggap na valid IDs sa lahat ng Western Union Agent locations:
Lahat ng mga uri ng i.d. na nakalista sa itaas ay dapat valid sa oras ng transaksyon.
|
Ano ang kailangan kong dalhin para makapagpadala ng pera?
Dalhin ang iyong kasalukuyang orihinal na valid I.D. na may litrato at ang cash na ipapadala mo pati na pambayad ng fee maaari mo ring dalhin ang iyong Western Union Gold Card.
Magkano ang aking maaaring ipadala?
Tanunging and Western Union Agent sa inyong lugar para sa detalye. Sa ilang mga bansa, maaari kang magpadala ng halagang ibig mo. Pero maaaring may mga restriksyon sa mga halaga na maaaring matanggap ng mga tao sa ilang bansa. At, para sa ilang halaga sa ilang bansa, maaaring hingin sa iyo na magbigay ng karagdagang impormasyon o dokumentasyon.
Saan ako maaaring magpadala ng pera?
Laging mayroon kahit na isa man lang na Western Union Agent location sa Pilipinas na bukas para sa negosyo sa pagitan ng 9am hanggang 6pm. Hanapin ang pinakamalapit na Western Union Agent sa Pilipinas dito. CLICK HERE
Paano ko malalaman kung nakuha na ang aking ipinadala?
Para malaman ang estado ng pinadala, tumawag sa Philippines Customer Hotline sa 02 888-1200 (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632 888-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa). Maaari ka ring pumunta sa 'Tracking' link na nasa homepage ng aming website, at sundan ang estado ng iyong pera sa pamamagitan ng pag-type ng iyong pangalan (kung paano ito nakasulat sa 'To Send Money' form) at ang Money Transfer Control Number (MTCN). Tingnan ngayon ang estado ng iyong pagpapadala ng pera CLICK HERE
PAGTANGGAP NG PERA
PAANO KOKOLEKTAHIN ANG PERA
Pumunta sa Western Union Agent na pinakamalapit sa iyo .
Punan ang 'To Receive Money' form at magpakita ng isa sa mga tinatanggap na valid I.D. na may litrato at ang Money Transfer Control Number.
Bibigyan ka ng resibo. Basahin ito ng maigi at pirmahan.
Ibibigay sa iyo ng Agent ang resibo at ang iyong pera.
Kung sakali ang pera ay ipinadala sa bank account ng Pinadalhan (o benepisyaryo) sa alinman sa mga sumusunod na Bangko sa Pilipinas, ang pera ay maaaring ma-withdraw nang direkta mula sa bank account:
Banco de Oro (BDO)
Bank of the Philippine Islands (BPI)
Philippine National Bank (PNB)
Metropolitan Bank and Trust Co. (Metrobank)
United Coconut Planters Bank (UCPB)
Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC)
Allied Bank
Land Bank of the Philippines (LBP)
ANO ANG KAILANGANG DALHIN UPANG MAKUHA ANG PERA KO?
Pakihanda ang mga detalyeng ito: Ang pangalan ng nagpadala (first name, middle name at apelyido). Ang bansa kung saan galing ang pera. Ang halaga ng ipinadala. Ang Money Transfer Control Number (MTCN). Isang orihinal na valid I.D. na may litrato. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Philippines Customer Hotline sa 02 888-1200 (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa).
PAANO KO MALALAMAN KUNG PWEDE NA MAKUHA ANG PERA?
Ihanda ang iyong Money Transfer Control Number (MTCN) at magtanong tungkol sa estado ng iyong money transfer sa pamamagitan ng pagtawag sa Philippines Customer Hotline sa 02 888-1200 (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632 888-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa). Pwede ka ring pumunta sa 'Tracking' link na nasa homepage ng aming website, at sundan ang estado ng iyong pera sa pamamagitan ng pag-type ng iyong pangalan (kung paano nakasulat sa 'To Send Money' form) at ang Money Transfer Control Number (MTCN). Tingnan ang estado ng iyong money transfer ngayon.. CLICK HERE
PAANO BINABAYARAN ANG MONEY TRANSFER?
Ang money transfer ay binabayaran ng cash.
Kapag Ang "Easy Money" Ay Hindi Madali
Ang alok ay nakakatukso. “Work at home.” (Magtrabaho sa bahay) “Just a few hours a day.”
(Ilang oras lamang sa isang araw) “Earn up to ten percent commission.” (Kumita ng hanggang sampung porsiyentong komisyon) “No experience necessary.” (Hindi kailangang may karanasan)
Nabitag ng mga nakakaakit na pangakong ito, maaaring pumayag kang magtrabaho para sa
isang kumpanyang naglilipat ng mga pondo sa buong mundo. Ang proseso ay mukhang
napakasimple. Ibibigay mo lang ang mga detalye ng iyong bank account upang maideposito ang mga pondo sa iyong account ng “employer.” Ang kailangan mo lang gawin ay i-withdraw ang mga pondo, kumuha ng sampung porsiyentong komisyon at ilipat ang balanse sa isang third party sa pamamagitan ng isang serbisyo sa pagpapadala ng pera.
Ang kumpanya ay tila propesyonal. Nagbibigay sila ng detalyadong impormasyon tungkol sa
trabaho na gagawin at maaaring kontakin ka pa ng tauhan ng human resources ng kumpanya.
Ang pera ay ililipat sa isang lehitimong kumpanya sa pagpapadala ng pera na gaya ng Western Union, at ikaw ay binibigyan ng mga link sa web site ng Western Union® at mga detalye kung paano ipadala ang mga pondo. Inuutusan kang sabihin sa sinumang magtanong na nagpapadala ka ng pera sa mga kaibigan at kapamilya. Ipinapaliwanag ng “employer” na ito ay upang makatipid sa oras at hirap ng pagsagot sa mga ekstrang form na kakailanganin kung ito ay naitalaga bilang isang transaksiyong pangkumpanya.
Sa kasawiang-palad, ang iyong “employer” ay isang negosyong kriminal. Sa pagsang-ayon na
magpadala ng pera para sa “kumpanya” na ito, ikaw ay walang kamalay-malay na sumasali sa
krimen na money laundering at maaaring sumailalim sa paglilitis ng batas.
Isa pang bersiyon ng job scam
Hindi gaya ng iba pang job scam na humihingi sa mga “empleyado” na magbayad muna ng mga uniporme o processing fee , hindi hinihingi sa iyo ng scam na ito na ipuhunan ang anuman sa iyong sariling pera. Sa halip, ikaw ay walang kamalay-malay na ipinapasok upang mailipat ang mga pondong galing sa masama.
Upang maitago ang kanilang bakas, ang mga kriminal na organisasyong ito ay nagpapasok ng
mga walang kamalay-malay na tao upang kumilos bilang mga “mule.” Gaya ng halimbawa sa
itaas, ang mga taong ito ay tumatanggap ng pera sa kanilang mga account at pagkatapos ay
inililipat ito sa mga third party gamit ang isang serbisyo sa pagpapadala ng pera, na nagiging
dahilan upang maging mas mahirap masundan ang mga salarin at mga ninakaw na pondo.
Narito ang ilang tip upang makaiwas sa gayong eksena:
• Kung ikaw ay inutusang magpadala ng pera bilang bahagi ng iyong trabaho o sagot sa
isang “work at home” na patalastas, kontakin ang Western Union Customer Service
Center at humanap ng tao na espesyalista sa panlilinlang (fraud) (1-800-634-1311).
Matutulungan ka naming alamin kung ang isang transaksiyon ay balido.
• Mag-ingat kapag tumatanggap ng hindi inaasahang alok na lubhang napakaganda na
parang hindi na totoo. Habang nakakatuksong tumanggap ng alok na nagbibigay daan saiyo
para kumita ng malaking pera sa kaunting pagod, ang gayong mga alok ay kadalasang
mapanlinlang.
• Tandaan na hindi ipinapayo ng Western Union sa mga consumer ang paggamit ng
serbisyo sa pagpapadala ng pera kapag nakikipagnegosyo sa mga hindi kilalang tao.
• Kung ikaw ay nakikipag-usap sa isang hindi kilalang agency o kumpanya, kontakin
sandali ang iyong Better Business Bureau para malaman kung may anumang reklamo
naihain.
• Palaging magduda sa isang alok na nagsasabi sa iyo kung paano sumagot sa mga
tanong .
• Western Union. Any time you are instructed to lie, chances are something is wrong.
• Kung ikaw ay inutusang magpadala ng pera bilang bahagi ng iyong trabaho o sagot sa
isang “work at home” na patalastas, kontakin ang Western Union Customer Service
Center at humanap ng tao na espesyalista sa panlilinlang (fraud) (1-800-634-1311)
Matutulungan ka naming alamin kung ang isang transaksiyon ay balido.